Thursday, May 15, 2008

Si Remedios at ang kaniyang sanggol

Bataan, 1944. Kasalukuyang lumulusob ang mga hapones sa bahaging ito sa Pilipinas. Marami na ang napapatay sa mga Pilipino. May mga Koreano ring kasama ang mga tropang Hapon na walang awang kumikitil sa mga walang labang Pilipino. Batid ng tropa ng Hapones na ang mga Amerikano ay paparating na kung kaya’t walang habas silang pumatay ng mga inosente bago pa man sila ay masukol.

Tatlong mag-iina ang tumatakas patungo sa bundok ng malamang ang pwersa ng mga Hapones ay nasa di kalayuan lamang. Ang bawat isa sa kanila ay may tangan na sanggol na nasa tig-anim na buwang gulang. Ang kanilang mga asawa ay di nila kasama sa kadahilanang sumama ito sa “gerilla” upang lumaban sa mga hapon katulong ng mga kano. Nagkahiwa-hiwalay ang mag-iina sa kagubatan. Pinatatahimik nila ang kanilang mga anak. Sa kanilang pag-iyak Dahil sa iyak ng sanggol ay nakita ng isang Hapones ang mga ito at pinatay sa pamamagitan ng bayoneta. Ganun din ang isa pang mag-ina na nagtatago sa halamanan. Tanging si Remedios lamang na nagdadasal ang di pa nakikita ng mga hapon.

“anak wag kang iiyak mahal kita, hawak ka ni nanay mo” bulong nito na may luhang bumabalong sa kaniyang
namumugtong mga mata.

Kumampi ang langit kay Remedios, ngumiti ang sanggol sa kaniya kapagdaka’y umidlip ng matahimik. Nakalagpas
ang pwersa ng mga hapon ng di sila nasaling man lamang. Nagpamagdamag sila sa kanilang pinagtataguang
bato sa gilid ng ilog. Nangangatal na ang katawan ni Remedios sa pagkakababad sa tubig sa gilid ng nasabing ilog.
Umahon siya mag-uumaga na. Nakita siya ng mga “gerilla” at iniligtas. Nagkita sila ng kaniyang asawa sa kampo
at lubos ang kaniyang pasasalamat sa asawa. Nagdasal sila ng taimtim sa Poong-Maykapal.

Ang anak ni Remedios na si Roman ay lumaking matalino at nakapag-aral. Isa na siyang Pastor sa isang samahan
sa kanilang lugar na namamahagi ng Salita ng Diyos sa mga tao roon at ibinabahagi ang kaniyang mga naranasan sa kaniyang murang buhay bilang isang patotoo sa kabutihan ng Maylikha.




ANG LUTONG “BEEF STAKE”
Isang mayamang negosyante si Doña Agueda, ngunit sa pagiging mayaman nito ay ubod ng mata-pobre at masungit. Ang kaniyang tirahan ay mansion. Nasa pangalawang palapag ng bahay nito ang kaniyang kusina at hapag-kainan. Buhat sa bintana ng hapag-kainan ay matatanaw ang munting tirahan ni Aling Sioning. Isang trabahador ni Doña Agueda sa kaniyang taniman ng tubo. Kasalukuyang kumakain noon si Doña Agueda ngunit wala itong gana sa pagkain ng mga oras na iyon. Nakita niyang kumakain din si Aling Sioning buhat sa kaniyang kinatatayuan. Naulinigan niya ang sinasabi nito. “ang sarap ng ulam ni Doña Agueda, beef steak ang bango lumalabas ang amoy ng ulam niya buhat sa bintana ng kaniyang kusina” wika ni Aling SioningMinasama ng Doña ang narinig.“aba! ang walanghiya! at inaagaw pala ang gana ko sa pagkain” galit na wika nito“kain na mga anak bagama’t ang ulam natin ay tuyo at kamatis lamang ay lasahan natin ang bango ng ulam ni Doña Agueda” wika ni Aling Sioning habang kumakain kasama ang dalawang anak nito. “aba! at maganang magana pa silang kumain, makikita nila idedemanda ko sila, may pagkamangkukulam yata ang pamilyang ito” wika ni ni Doña Agueda habang abala sa paninilip sa bintana. Pinatawag ng Doña ang pobreng si Aling Sioning, inakusahan siya nito ng pang-aagaw ng gana ng pagkain at tinuringang may karungungang itim kung kaya naisagawa niya ito. Walang nagawa si Aling Sioning, humingi ito ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit lubhang may kapangyarihan ang Doña , hanggang nakarating ito sa piskal ng munisipyo. Tuwang-tuwa ang Doña sa nangyari at iminungkahi nito na magbayad ng danyos perwisyo ang pobre at iuurong na niya ang demanda. “bayaran mo ako ng limang libong piso sa pang-aagaw mo sa akin ng gana sa pagkain!” wika ng Doña. “Doña maawa po kayo kapos po kami, may naipon po ako sa alkansiyang bumbong ngunit para po sa aking anak iyon at hindi po aabot iyong limang libo” pagsusumamo ng matanda “di ko papayagan na ganun ganun lang sige tatlong libo tapos ang usapan!” dugtong pa ng Doña. Suman-ayon ang piskal sa usapan. Lungkot na lungkot ang pobreng matanda. Lulugo-lugo itong bumalik sa bahay at biniyak ang alkansiyang bumbong sa harap ng kaniyang mga anak na malulungkot. Umabot ng tatlong libo at sampu ang baryang laman nito. Ibinili ng anak nito ang sobrang sampu ng tinapay upang may makain sa gabing iyon. Kinaumagahan, nagharap-harap muli sila sa harap ng piskal. “dala mo na ba ang tatlong libo!” wika ng Doña “opo, ito po sa dala kong laba-kara nakalagay, sakto po ito” wika ng pobreng si Aling Sioning “kailangang makasiguro ako bilangin mo sa harap ko” wika pa ng Doña “sige na Sioning bilangin mo sa harap ni Doña Agueda ang mga barya upang malaman natin kung tatlong libo ang halaga ng dala mo” utos ng piskal Ngiting-aso ang Doña habang binibilang ang pera. Naglalaway ito sa salapi habang nakamasid naman ang piskal ng munisipyo. Saktong tatlong libo ang pera at nagdesisyon na ang piskal. “sa aking pag-aaral sa usapan ay inagawan di umano ni Aling Sioning ng gana sa pagkain si Doña Agueda at pinagbabayad nito si aling Sioning bilang danyos perwisyo. Inihanda ni Aling Sioning ang pera at binilang sa harap ni Doña Agueda sa napagkasunduang tatlong libong piso.Sa pagbbibilang na iyon ay sapat ng nakuha na rin ng Doña ang tatlong libong piso gaya ng pagkuha ni Sioning sa gana nito sa pagkain sa pamamagitan ng isip lamang. Ang desisyon ng korteng ito ay patas o amanos lamang ang magkabilang panig” “ligpitin muna ang pera mo Aling Sioning at makakauwi ka na, tapos na ang kaso” pagtatapos ng piskal “di pwede iyan papalitan kita sa munisipyo” sigaw ni Agueda “pwede niyo pong iapela sa mataas na kapulungan ang kaso Dona Agueda” wika ng piskal Tumalikod na lang ang Doña at umuwi, tinanggap nito ang pagkatalo. Umalis na sina Aling Sioning sa lugar na iyon at ang tatlong libo ay kanilang pinalago sa pagtitinda ng ulam. Mabiling-mabili ang kaniyang lutong”beef steak”.

No comments: