Monday, March 2, 2009

Ang Magkabarkada

Natatakot si Jun jun sa kaniyang nakikita. Isinangguni niya ito sa kaniyang kaibigang si Ron.Ipinaliwanag niya rito na nakakakita siya ng iba't-ibang uri ng nilalang. Tila mga multo o kaluluwang ligaw. Di siya mapalagay sa nangyayari.Gumising siya isang araw na may nakatayo sa kaniyang harapan na nakatitig sa kaniya. Nagsisigaw siya at dali-daling bumaba ng bahay. Nakita niya ang kaniyang kapitbahay na nagdidilig ng halaman. Napatingin ito sa kaniya ngunit di siya pinansin bagkus ay nagptuloy ito sa kaniyang ginagawa.Tumingin siya sa kanilang dalawang palapag na bahay. Walang tao rito maaring nasa trabaho ang lahat ng kaniyang mga kapatid. Napatingin siya sa kanilang balcony, dito siya madalas tumayo na parang Superman. Natatandaan niya na madalas siyang sermuna ng kaniyang Mommy na wag maglaro doon at baka siya ay mahulog. Sandaling nag-isip siya kung bakit di siya pumasok ngayon sa trabaho.

"pare" wika ng isang lalaki mula sa kaniyang likuran, si Ron
"pare, kaw naman ginugulat mo ako""tumawag ka sa akin sa telepono nung nakaraang araw bakit me third eye ka ba?"
"ha ha, oo nga pare nakakabaliw, kung sinu-sino o anu-ano nakikita ko e"
"baka naman puyat ka sa trabaho puro OT ka yata o baka naman di muna dinedate ang syota mong si Pinky" biro ni Ron
"di a, nung nakaraang araw lang e nag Sogo kami"
"ha ha loko ka talaga pinapanay mo baka mabuntis mo yon pakasalan mu na"
"palagay ko nga pare si Pinky na ang para sa akin, pagplaplanuhan ko na yan, sa katunayan nagkausap na kaming pakasal sa susunod na buwan"
"pare wala sina Mom at Papa mo , wala yatang tao sa inyo"
"pumasok yata lahat e , ang parents ko baka namasyal"

Napansin nila ang kapitbahay ni Junjun na si Aling Santa.
"magandang umaga po Aling Santa?" bati ni Junjun

Di sila pinansin ng matanda.

"pare inisnab ka hi hi" biro ni Ron"menopause na yata e, kaya masungit "

Saka palang lumingon si Aling Santa na parang narinig na nagsalita si Ron, ngumiti ito sa kaniya.
"pare ikaw yata ang type a, he he ,maiba tayo pare ano masasabi mo sa nakikita ko me third eye ba ako?"
"pare wala kang third eye. its just a dream o guni-guni"
"pare bakit parang mapula ang mga mata mo me soreyes ka ba?" wika ni Junjun
"wala pare, nasundot ko lang ito""parang umiyak ka e, di ka naman iyakin di ba, magkasama na tayo sapul maliliit pa lang tayo kabisado na kita he he, siguro pinagalitan ka ni Pinky ano?"
"ako pa papagalitan e marami naman babae diyan?"
"kung sabagay, pare tara sa loob magalmusal muna tayo"
"pare napadaan lang ako, babalik na lang ako sa Friday kita tayo" wika ni Ron
"Friday e lunes pa lang ngayon a""me sasabihin ako sa iyo magkita tayo sa Aplaya malapit sa sementeryo sekreto pare, gugulatin kita hi hi" biro ni Ron
"me lakad ka ba bakit parang me scandal kang nadiskubre a"
"wala pare me kukwento lang ako sa iyo tungkol doon na meet ko dati"
"okey pare call Friday ha what time?"
"alas tres ng hapon dun ka na, sasama ko tropa dun ko sasagutin ang problema mo"
"call pare" wika ni Junjun.

Gumala si Junjun sa bayan, tumingin tingin sa Bazaar. Parang gusto niyang bumili ngunit parang may pumipigil sa kaniya.
"san ka paroroon Junjun?" wika ng isang babae mula sa kaniyang likuran.Nagulat si Junjun, isang babaeng nakalutang ang nasa kaniyang harapan. Nagtatakbo si Jun sa takot. Muntik ng mabangga ng Bus sa kaniyang pagtawid. Mabilis ang kaniyang takbo hanggang sa makarating sa kabilang bahay. Naabutan niya rito ang kaniyang bunsong kapatid na nakaupo sa gilid ng kanilang pintuan. Luhaan ito na nakatalungko.

"hoy umiiyak ka na naman, pinagalitan ka ba ni Mommy" wika ni Junjun
Di ito kumikibo. Minabuting pumasok ng bahay at nasalubong niya ang kaniyang Mommy na may daladalang supot ng mga groceries."mom san kayo punta?"
"Jekjek halika ka na anak isasara ko na ang bahay" wika ng Mommy ni Junjun
"Mommy san ba kayo pupunta?"wika muli ni Jun jun ngunit di pa rin sumagot ang Mommy nito.
"mommy nandito po ako sa labas na" wika ni Jekjek

"ano ba nagyayari dito a amin, di ako pinansin ni Mommy, aha alam kuna siguro galit sa akin si Mommy kasi di ko naidikit ang nabasag kong paso ng halaman paborito pa naman niya yun, hayun nandun pa ang malaking basag na paso tsk tsk minana pa naman niya sa lola ito ,di bale hihingi ako ng pasensiya pagdating nila mamaya"
Dumating ang araw ng biyernes. Nauna siya sa tipanan. Nakita niya ang kaniyang mga ka tropa sa di kalayuan sa loob ng sementeryo.
"bakit nandun sila" naibulong ni Junjun sa sarili
"hi pareng Junjun" wika ni Ron mula sa likuran"wow astig pare naka shade ka ha parang Men in Black, saan ba punta di pa naman ako nag ayos ng damit kahiya sa iyo "

"nag-ayos ka na pare alam ko""asus panong nag-ayos e pambahay lang ang suot ko me lakad ba tropa bakit nandun sila sa sementeryo pare?"
"pare me sasabihin ako sa iyo, iyong isang tropa natin namatay"
"ha! sino si pare, teka sino ba wala doon" lumingon si Junjun sa mga kasamahan sa di kalayuan.

"kilala mo yun pare" wika ni Ron"sino yun sabihin mu na nga para makapag bihis ako agad at makasama sa libing niya shit, wala akong ka alam alam shocking ito a, kakahiya suot ko, ano ikinamatay"
"Naglalaro siya sa balcony ng bahay nila pare nag babalanse sa gabay na bakal, e, lasing siya ng time na yun nahulog siya bumalikwas ang katawan at tumama sa malaking paso ng halaman ang ulo. Naisugod pa siya sa ospital ng tatay niya kaso di na umabot pare" naiiyak ni paliwanag ni Ron.

Natigilan ni Junjun sa narinig. Nagsalita ito kay Ron."pare parang gawain ko yung sinasabi mo wala namang ganiyanan, ako lang ang gumagawa nun , masamang biro ang binitawan mo"
"pare totoo, kaya ka nakakakita ng mga kaluluwa e patay ka na pare hu hu, pare iniwan mu na kami"
"hindi! hindi totoo ang sinasabi mo , pumasok pa ako nung nakaraan a, matapos mag-inuman nun nakauwi pa ako sa bahay, ang paso ,ang paso nabasag ko yun ng di sinasadya!"
"iyon ang ikinamatay mo ang paso ang nakabasag ng ulo mo maniwala ka Junjun ang kamatayan ay parang naalimpungatan ka lamang di mo alam na patay ka na pala!" wika ni Ron
"bakit mo ako nakakausap Ron bakit!"
"kasi Jun aaminin ko sa iyo, matagal na akong me pagtingin sa iyo, isa akong bading Junjun, nagseselos nga ako ke Pinky ng malaman kong magpapakasal ka na!" paliwanag ni Ron
"anak ng Bading! ang tanong ko ang sagutin mo bakit kita nakakusap kung patay na ako!" sigaw ni Junjun.

"patay na rin ako Junjun, nagpakamatay ako, sinabi sa akin ni Pinky na magpapakasal na kayo di ko makayanan mahal kita patawarin mo ako Junjun dinamay ko ang sarili ko sa iyo, wala na ring silbi ang buhay ko kapag nawala ka sa akin"
"shit! sheeet! talaga, ano ba ito, ano ba itoooo, di ako naniniwala pupuntahan ko sila!"

Nagtatakbo si Junjun sa sementeryo. Nagsisigaw ito ngunit di siya marinig. Lagus-lagusan ang kaniyang katawan sa mga taong nakikipaglibing sa kaniya. Isang kabaong lamang ang naroon. Nakita niya ang kaniyang ama at ina at mga kapatid na umiiyak. Naroon din si Aling Santa na kanilang kapitbahay at si Pinky na kaniyang kasintahan. Nakita niya ang kaniyang anyo sa loob ng ginintuang ataul.

"hindi! totoo ang sinasabi ni Ron Diyos ko patay na nga ako hu hu hu" Bumalik siya kay Ron, nakita niya itong umiiyak.
"Ron, hu hu, bakit idinamay mo ang sarili mo, saan ka inilibing hu hu hu?" wika ni Junjun
"di pa nila nakikita ang bangkay ko Junjun, di nila alam na ako ay patay na. Tumalon ako sa ilog sa Ayala Bridge, nalunod ako hu hu hu, di ka pa patay ay una na akong namatay sa iyo Junjun, naluluha ako at bakit ka namatay din, dapat ay ako na lang, dapat ay naging masaya ka kay Pinky"
"kasalanan ang ginawa mo Ron isang malaking kasalanan ang magpakamatay" wika ni Junjun.

Naglabasan ang ilang kaluluwa sa harap ni Junjun."di na ako matatakot sa inyo ngayong alam kuna ang lahat, alam kong gusto niyo akong isama, sandali at magpapalam na ako sa aking mga mahal sa buhay"
Saktong tinatabunan na ang hukay ay niyapos ni Junjun isa-isa ang kaniyang mga mahal sa buhay, magulang ,kapatid, kamag-anak at ang naghihinagpis na si Pinky.

"paalam sa inyo, paalam Jekjek kapatid ko hu hu hu"

"mommy, may sasabihin po ako sa inyo" wika ni Pinky sa ina ni Junjun
"ano iyon iha""buntis po ako kay Junjun, gusto kong suportahan natin siya alang-alang sa kaniyang alaala"
"Diyos ko hu hu hu" tumangis na napayakap ang ina ni Junjun kay Pinky. Napangiti si Junjun at niyapos niya rin ang dalawa.
"lumamig ang hangin Pinky malamang kasama natin si Junjun ngayon" wika ng Mommy.

"tara na mga kasama kung saan man niyo ako dalhin sasama na ako teka si Ron bakit di ninyo inaaya?" tanong ni Junjun
"iba ang magsasama sa akin Junjun, isang malaking kasalanan ang aking nagawa, sana maging masaya ka Junjun, isipin mong naging kabarkada kita, ka pare at isang nagmamahal na kaibigan, paalam Junjun" wika ni Ron.

Nawala sa paningin ni Junjun si Ron may kasama rin itong ibang kaluluwa. Umalis na sina Junjun. Isang liwanag ang kanilang nakita. Kasalubong nila ang iba pang mga nakangiting kasamahan upang bigyan ng halaga ang pagdating ni Junjun sa kabilang buhay.

W A K A S

Thursday, May 15, 2008

Ang Mangangaso

Masipag na mangangaso ang magkapatid na sina Fabian at Ver, sa katunayan ay nakapag-uuwi sila ng kanilang ikabubuhay sa maghapong patratrabaho sa gubat. Minsa'y nakapag-uwi na rin sila ng isang malaking usa at mga prutas galing sa yaman ng gubat. Sa kabila ng kanilang mga pagpapala, ay nalilimutan naman nilang magpasalamat kay Bathala sa mga biyayang ibinigay sa kanila. Dalawa lang sila sa buhay kung kaya'y hindi sila hirap sa pagkain at iba pang pangangailangan. Napapansin tuloy sila ng kanilang mga kapitbahay at napag-uusapan. "tingnan mo ang mga iyan ni hindi magbigay dasal sa kanilang mga pagpapala" "at ni hindi rin marunong magdasal bago kumain" "kasi naniniwala silang ang kanilang mga biyaya ay sa kanilang pagsisikap lamang at walang tulong si Bathala" "pabayaan mo sila hindi tayo nagkulang sa kanila ng paalaala, buhay nila iyan at wag na nating pakialaman" Isang araw ay nangaso uli ang magkapatid. Bumungad sa kanila ang napakalaking Leon. Nakatitig ito sa kanila at handang sagpangin. Di na nagdalawang isisp ang magkapatid, binitiwan nila ang kanilang mga gamit sa pangangaso at kumaripas ng takbo. Halos lumutang ang kanilang mga paa sa lupa sa bilis ng kanilang pagtakbo. Napakalaki ng bawat lundag ng Leon kung kaya't naaabutan sila kaagad-agad. Umabot sila sa isang lugar kung saan wala ng matatakbuhan. Takot at mangiyak-ngiyak na humarap sila sa galit na Leon nakaupo ito na mga sampung dipa ang layo mula sa kanila. Napatawag kay Bathala ang magkapatid sa tindi ng takot. "Bathala, patawarin niyo kami at di kami nakakapagpasalamat sa Iyo sa mga biyayang natatanggap namin hu hu hu"... "opo Bathala sanay hipuin Niyo ang Leon na ito na wag kaming kainin hu hu hu" Yumuko ang Leon na wari'y umamo ang mukha, tumagal ito ng mga isang minuto. Dahan dahang lumakad ang magkapatid patakas habang nakayuko ang Leon ng biglang magsalita ito. "Grrrowlll! san kayo pupunta ha, di niyo ba alam na kaya ako yumuko ay nagdadasal muna ako bago kumain! growwlll" "waaaaaaa yaahhhh!!!!!" Tatlong minuto bago tuluyang tumahimik ang paligid.

Ang Propesor at ang Bangkero

Isang kilalang propesor si Dr. Tadeo sa isang kilalang Unibersidad sa kanilang lungsod. Siya ay matatawag na siyentipiko sa lahat ng bagay sa angkin niyang talino. Ang lahat ng mga mag-aaral di lamang sa kanilang Unibersidad kundi sa lahat ng unibersidad ay di maipagkakailang si Dr. Tadeo ay isang magaling na propesor.

Isang araw, ang nasabing propesor ay naatasang magsaliksik sa isang bundok pa tungkol sa mga iba't-ibang uri ng paru-paro sa nasabing lugar. Kinakailangan niyang sumakay ng bangka mula sa isang baryo patungo sa bundok ng Harurot. Maglalakbay sila ng halos tatlong kilometro upang makarating sa pulong kinaroroonan ng bundok. Sa kaniyang paglalakbay, dalawa lang silang sakay ng bangka, ang bangkero at ang propesor. nagtanong ang propesor sa bangkero.

P: Mamang bangkero ikaw ba'y nakapag-aral?
B: Hindi po kasi wala po kaming pera pero nakakaintindi po ako ng kaunti.
P: Ikaw ba'y marunong ng matematika?
B: ano po ba yun, nakakain po ba iyon?
P:ha ha haha!!, alam mo bang kapag di ka marunong ng matematika e 1/4 ng buhay mo ay nawawala sa iyo
B: Di ko po alam e...paumanhin po
P: e siguro naman Agham e marunong ka?
B: di rin po ano po ba yun ,lugar po ba yun?
P: ha ha ha hi hi hi !! e di 1/4 uli ng buhay mo nawala sa iyo ha ha ha hi hi
B:paunmanhin niyo po wala po kasi akong alam sa agham na yan
P: siguro naman Balarila e alam mo kasi salita natin iyan?
B: di ko rin po alam ang Balarila..
P: haha ha ha ha hak hik hik, wala kang alam sa balarila! e di 1/4 uli ng buhay mo nawala sa iyo ha ha ha he he he!!! amang 1/4 na lang ang natititra sa iyong buhay kaya alagaan mo yan he he he...

Dumating ang malakas na bagyo na biglang sumalubong sa bangka sa gitna ng laot. Tanaw na ang pulo ngunit di sapat ang bilis ng sagwan upang makarating dito.

B:Ginoong propesor! may bagyo lumalakas ang alon, marunong ba kayong lumangoy!! tatalon tayo sa bangka kasi tataob ito
P: aa! e e hi-hindi amang tulungan mo ako di di akong marunong lumangoy!
B: kung gayon ako may 1/4 ng buhay na natitira at gaya ng sinabi niyo kailangan na pangalagaan ko ito kayo ay di nag-aral lumangoy kaya buong buhay niyo ang mawawala sa iyo, sige po at mauuna na akong pumunta sa pulo
P: wag! amang wag mo akong iwan tuturuan kita ng matematika, agham at balarila! wag mo akong iwaaaannnn!!! hu hu hu

Tuluyan ng nilamon ng alon ang bangka at propesor at pagod ngunit ligtas na nakarating ang bangkero sa Bundok ng Harurot, nakangiti ito at handang buuin muli ang nawalang 75% ng kaniyang buhay.

Maling Akala

Si Facundo ay isang mabait at mapagmahal na ama, namatay ang kaniyang asawa sa panganganak sa anak nilang babae na si Eloisa na isang taon pa lamang ngayon. Siya ang nag-aruga sa sanggol upang mabuhay. Iniiwan niya ito sa kanilang kapitbahay na si lola Berang kung siya ay magsasaka sa bukid. May alaga siyang aso na si Puti, parang bulak ang balahibo nito sa kaputian, mahal na mahal niya ito pangalawa sa kaniyang anak. Katulong niya ito sa bukid kapag nagtatanim ng palay. Nagsisilbi rin itong bantay sa palayan kung ito ay hinog na upang wag kainin ng mga lobo o anu mang hayup na peste. Siya ay may isang paltik na baril na minana niya sa kaniyang ama. Pinagyaman niya ito at laging nililinisan. Pinapuputok niya ito minsan isang buwan upang laging aktibo ang mga piyesa nito. Lagi niya itong dala sa kaniyang pagsasaka bilang paghahanda sa anumang hayup na balakid sa kaniyang daraanan saan mang lugar siya magtungo.

Isang araw, na wala siyang pagsasaka sa bukid ay inalagaan niya ang anak na si Eloisa, iniwan niya ito sandali katabi ng kaniyang asong si Puti upang magtungo sa di kalayuan sa bahay upang manguha ng gulay sa kadahilanang wala si Lola Berang sa kaniyang tahanan. Tulog na tulog ang kaniyang anak ng mga oras na iyon. Kinausap niya ang asong turuan.

"Puti, ako ay magtutungo sandali lamang sa labasan at mangunguha ng gulay, paki bantayan mo si Eloisa"

Ang aso ay nakatingin sa kaniya na wari'y naintindihan ang kaniyang sinabi. Gumagalaw pa ang buntot nito na nahiga at tumabi malapit sa kaniyang anak.

"hayaan mo Puti alam kong gutom ka na rin at ihuhuli kita ng palakang bukid at aking iluluto para sa iyo"

Umungol ang aso at napadila na wari'y nagutom sa kaniyang sinabi.

Makalipas ang limang minuto, ay nagbalik na si Facundo at buong gulat nang makita niyang sinalubong siya ng kaniyang aso na si Puti, balot ng dugo ang balahibo nito, halos nagkulay dugo ang buong katawan nito. Dinidilaan niya ang mga natirang dugo sa kaniyang mga paa. Sa kabila nito, kumakawag-kawag pa ang buntot nito ng makita ang amo. Pumasok sa isipan ni Facundo na sa gutom ay nilapa nito ang kaniyang anak. Dali-dali niyang binunot ang kaniyang baril at isang malakas na putok ang umalingawngaw. Naghihingalo na bumagsak sa kaniyang harapan si Puti, wari'y nakangiti pa ito sa kaniya na umuungol, dinilaan ni Puti ang suot na bota ni Facundo ng lumapit ito sa aso bago nalagutan ng hininga. Matapos makitang patay na si Puti ay dali-dali siyang humangos sa kinaroroonan ng anak at dito niya nakita ang isang lobo na patay malapit sa kaniyang anak na kagigising lamang at nakangiti sa kaniyang pagdating. Nanlumo si Facundo at nanlupaypay. Sa kaniyang maling akala ay nagawa niyang patayin ang kaniyang mahal na alagang si Puti na siyang nagtanggol sa kaniyang pinakamamahal na anak laban sa mabangis na lobo.

Ang tatlong Salamangkero

Nagkita-kita mula sa iba’t ibang lugar ang tatlong salamangkero upang magpaligsahan ng kakaibang kaalamansa larangan ng salamangka. Si Junar ay mula sa tribu ng Chem, si Dwen ay mula sa Khan at si Dilan ay mulasa angkan ng mga katutubong Tausug. Lahat sila ay may kani-kaniyang pambihirang kaalaman. Napagpasyahannila na sa isang gubat magpakitaan ng galing. Wala silang isinamang mga tao upang masarili nila ang paligsahan.“alam niyo ba mga katoto na tatlong beses na akong muntik mamatay at eto buhay pa si Master Junar” “ako rin makaanim na akong muntikang mamatay pero nakatayo pa rin si Propesor Dwen he he he”“mahina kayo ako ang tawag sa akin ay pusa dahil makawalo na akong muntik mamatay eto at kasama niyo pa rinsi Ka Dilan ha ha ha!”Napansin nila ang isang kalansay na lagas-lagas sa kagubatan at ito ang kanilang napagpasyahang gamitinsa paligsahan.“kaya kong buuin ang mga kalansay na yan kung ano mang hayop yan!” abracadabra!” whooosh!” sigaw ni JunarPresto! ang kalansay ay nabuo ng nakatayo, malaki ito na may 3 piye ang likuran mula sa lupa. May apat na paaat isang buntot sa likuran.“wala ring silbi yan kung buto lamang ako lalagyan ko yan ng laman ng ganito! mahika!!! booom!” sigaw ni DwenPresto ang kalansay ay nagkalaman, isang leon ang tumambad sa kanilang harapan, malaki at maganda ang mgabalahibo. Nakatayo itong parang tuod.“mahihina pala kayo e, ano ang silbi niyan kung walang buhay, ako ang magbibigay buhay sa hayop na yan!bathala! ka woooshhh!” sigaw ni DilanNagkabuhay ang Leon, umatungal ng napakalakas, tila naghahanap ng masisila sa kaniyang kagutuman mula samatagal na pagkakahimlay. Nakita niya ang tatlong salamangkero at ito ay kaniyang pinangal. Natapos na ang buhay niJunar pati na si Dwen at ang ikasiyam na buhay ni Pusang Dilan ay natapos na rin sa loob ng sikmura ng pusang Leon.

Si Remedios at ang kaniyang sanggol

Bataan, 1944. Kasalukuyang lumulusob ang mga hapones sa bahaging ito sa Pilipinas. Marami na ang napapatay sa mga Pilipino. May mga Koreano ring kasama ang mga tropang Hapon na walang awang kumikitil sa mga walang labang Pilipino. Batid ng tropa ng Hapones na ang mga Amerikano ay paparating na kung kaya’t walang habas silang pumatay ng mga inosente bago pa man sila ay masukol.

Tatlong mag-iina ang tumatakas patungo sa bundok ng malamang ang pwersa ng mga Hapones ay nasa di kalayuan lamang. Ang bawat isa sa kanila ay may tangan na sanggol na nasa tig-anim na buwang gulang. Ang kanilang mga asawa ay di nila kasama sa kadahilanang sumama ito sa “gerilla” upang lumaban sa mga hapon katulong ng mga kano. Nagkahiwa-hiwalay ang mag-iina sa kagubatan. Pinatatahimik nila ang kanilang mga anak. Sa kanilang pag-iyak Dahil sa iyak ng sanggol ay nakita ng isang Hapones ang mga ito at pinatay sa pamamagitan ng bayoneta. Ganun din ang isa pang mag-ina na nagtatago sa halamanan. Tanging si Remedios lamang na nagdadasal ang di pa nakikita ng mga hapon.

“anak wag kang iiyak mahal kita, hawak ka ni nanay mo” bulong nito na may luhang bumabalong sa kaniyang
namumugtong mga mata.

Kumampi ang langit kay Remedios, ngumiti ang sanggol sa kaniya kapagdaka’y umidlip ng matahimik. Nakalagpas
ang pwersa ng mga hapon ng di sila nasaling man lamang. Nagpamagdamag sila sa kanilang pinagtataguang
bato sa gilid ng ilog. Nangangatal na ang katawan ni Remedios sa pagkakababad sa tubig sa gilid ng nasabing ilog.
Umahon siya mag-uumaga na. Nakita siya ng mga “gerilla” at iniligtas. Nagkita sila ng kaniyang asawa sa kampo
at lubos ang kaniyang pasasalamat sa asawa. Nagdasal sila ng taimtim sa Poong-Maykapal.

Ang anak ni Remedios na si Roman ay lumaking matalino at nakapag-aral. Isa na siyang Pastor sa isang samahan
sa kanilang lugar na namamahagi ng Salita ng Diyos sa mga tao roon at ibinabahagi ang kaniyang mga naranasan sa kaniyang murang buhay bilang isang patotoo sa kabutihan ng Maylikha.




ANG LUTONG “BEEF STAKE”
Isang mayamang negosyante si Doña Agueda, ngunit sa pagiging mayaman nito ay ubod ng mata-pobre at masungit. Ang kaniyang tirahan ay mansion. Nasa pangalawang palapag ng bahay nito ang kaniyang kusina at hapag-kainan. Buhat sa bintana ng hapag-kainan ay matatanaw ang munting tirahan ni Aling Sioning. Isang trabahador ni Doña Agueda sa kaniyang taniman ng tubo. Kasalukuyang kumakain noon si Doña Agueda ngunit wala itong gana sa pagkain ng mga oras na iyon. Nakita niyang kumakain din si Aling Sioning buhat sa kaniyang kinatatayuan. Naulinigan niya ang sinasabi nito. “ang sarap ng ulam ni Doña Agueda, beef steak ang bango lumalabas ang amoy ng ulam niya buhat sa bintana ng kaniyang kusina” wika ni Aling SioningMinasama ng Doña ang narinig.“aba! ang walanghiya! at inaagaw pala ang gana ko sa pagkain” galit na wika nito“kain na mga anak bagama’t ang ulam natin ay tuyo at kamatis lamang ay lasahan natin ang bango ng ulam ni Doña Agueda” wika ni Aling Sioning habang kumakain kasama ang dalawang anak nito. “aba! at maganang magana pa silang kumain, makikita nila idedemanda ko sila, may pagkamangkukulam yata ang pamilyang ito” wika ni ni Doña Agueda habang abala sa paninilip sa bintana. Pinatawag ng Doña ang pobreng si Aling Sioning, inakusahan siya nito ng pang-aagaw ng gana ng pagkain at tinuringang may karungungang itim kung kaya naisagawa niya ito. Walang nagawa si Aling Sioning, humingi ito ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit lubhang may kapangyarihan ang Doña , hanggang nakarating ito sa piskal ng munisipyo. Tuwang-tuwa ang Doña sa nangyari at iminungkahi nito na magbayad ng danyos perwisyo ang pobre at iuurong na niya ang demanda. “bayaran mo ako ng limang libong piso sa pang-aagaw mo sa akin ng gana sa pagkain!” wika ng Doña. “Doña maawa po kayo kapos po kami, may naipon po ako sa alkansiyang bumbong ngunit para po sa aking anak iyon at hindi po aabot iyong limang libo” pagsusumamo ng matanda “di ko papayagan na ganun ganun lang sige tatlong libo tapos ang usapan!” dugtong pa ng Doña. Suman-ayon ang piskal sa usapan. Lungkot na lungkot ang pobreng matanda. Lulugo-lugo itong bumalik sa bahay at biniyak ang alkansiyang bumbong sa harap ng kaniyang mga anak na malulungkot. Umabot ng tatlong libo at sampu ang baryang laman nito. Ibinili ng anak nito ang sobrang sampu ng tinapay upang may makain sa gabing iyon. Kinaumagahan, nagharap-harap muli sila sa harap ng piskal. “dala mo na ba ang tatlong libo!” wika ng Doña “opo, ito po sa dala kong laba-kara nakalagay, sakto po ito” wika ng pobreng si Aling Sioning “kailangang makasiguro ako bilangin mo sa harap ko” wika pa ng Doña “sige na Sioning bilangin mo sa harap ni Doña Agueda ang mga barya upang malaman natin kung tatlong libo ang halaga ng dala mo” utos ng piskal Ngiting-aso ang Doña habang binibilang ang pera. Naglalaway ito sa salapi habang nakamasid naman ang piskal ng munisipyo. Saktong tatlong libo ang pera at nagdesisyon na ang piskal. “sa aking pag-aaral sa usapan ay inagawan di umano ni Aling Sioning ng gana sa pagkain si Doña Agueda at pinagbabayad nito si aling Sioning bilang danyos perwisyo. Inihanda ni Aling Sioning ang pera at binilang sa harap ni Doña Agueda sa napagkasunduang tatlong libong piso.Sa pagbbibilang na iyon ay sapat ng nakuha na rin ng Doña ang tatlong libong piso gaya ng pagkuha ni Sioning sa gana nito sa pagkain sa pamamagitan ng isip lamang. Ang desisyon ng korteng ito ay patas o amanos lamang ang magkabilang panig” “ligpitin muna ang pera mo Aling Sioning at makakauwi ka na, tapos na ang kaso” pagtatapos ng piskal “di pwede iyan papalitan kita sa munisipyo” sigaw ni Agueda “pwede niyo pong iapela sa mataas na kapulungan ang kaso Dona Agueda” wika ng piskal Tumalikod na lang ang Doña at umuwi, tinanggap nito ang pagkatalo. Umalis na sina Aling Sioning sa lugar na iyon at ang tatlong libo ay kanilang pinalago sa pagtitinda ng ulam. Mabiling-mabili ang kaniyang lutong”beef steak”.