Monday, March 2, 2009

Ang Magkabarkada

Natatakot si Jun jun sa kaniyang nakikita. Isinangguni niya ito sa kaniyang kaibigang si Ron.Ipinaliwanag niya rito na nakakakita siya ng iba't-ibang uri ng nilalang. Tila mga multo o kaluluwang ligaw. Di siya mapalagay sa nangyayari.Gumising siya isang araw na may nakatayo sa kaniyang harapan na nakatitig sa kaniya. Nagsisigaw siya at dali-daling bumaba ng bahay. Nakita niya ang kaniyang kapitbahay na nagdidilig ng halaman. Napatingin ito sa kaniya ngunit di siya pinansin bagkus ay nagptuloy ito sa kaniyang ginagawa.Tumingin siya sa kanilang dalawang palapag na bahay. Walang tao rito maaring nasa trabaho ang lahat ng kaniyang mga kapatid. Napatingin siya sa kanilang balcony, dito siya madalas tumayo na parang Superman. Natatandaan niya na madalas siyang sermuna ng kaniyang Mommy na wag maglaro doon at baka siya ay mahulog. Sandaling nag-isip siya kung bakit di siya pumasok ngayon sa trabaho.

"pare" wika ng isang lalaki mula sa kaniyang likuran, si Ron
"pare, kaw naman ginugulat mo ako""tumawag ka sa akin sa telepono nung nakaraang araw bakit me third eye ka ba?"
"ha ha, oo nga pare nakakabaliw, kung sinu-sino o anu-ano nakikita ko e"
"baka naman puyat ka sa trabaho puro OT ka yata o baka naman di muna dinedate ang syota mong si Pinky" biro ni Ron
"di a, nung nakaraang araw lang e nag Sogo kami"
"ha ha loko ka talaga pinapanay mo baka mabuntis mo yon pakasalan mu na"
"palagay ko nga pare si Pinky na ang para sa akin, pagplaplanuhan ko na yan, sa katunayan nagkausap na kaming pakasal sa susunod na buwan"
"pare wala sina Mom at Papa mo , wala yatang tao sa inyo"
"pumasok yata lahat e , ang parents ko baka namasyal"

Napansin nila ang kapitbahay ni Junjun na si Aling Santa.
"magandang umaga po Aling Santa?" bati ni Junjun

Di sila pinansin ng matanda.

"pare inisnab ka hi hi" biro ni Ron"menopause na yata e, kaya masungit "

Saka palang lumingon si Aling Santa na parang narinig na nagsalita si Ron, ngumiti ito sa kaniya.
"pare ikaw yata ang type a, he he ,maiba tayo pare ano masasabi mo sa nakikita ko me third eye ba ako?"
"pare wala kang third eye. its just a dream o guni-guni"
"pare bakit parang mapula ang mga mata mo me soreyes ka ba?" wika ni Junjun
"wala pare, nasundot ko lang ito""parang umiyak ka e, di ka naman iyakin di ba, magkasama na tayo sapul maliliit pa lang tayo kabisado na kita he he, siguro pinagalitan ka ni Pinky ano?"
"ako pa papagalitan e marami naman babae diyan?"
"kung sabagay, pare tara sa loob magalmusal muna tayo"
"pare napadaan lang ako, babalik na lang ako sa Friday kita tayo" wika ni Ron
"Friday e lunes pa lang ngayon a""me sasabihin ako sa iyo magkita tayo sa Aplaya malapit sa sementeryo sekreto pare, gugulatin kita hi hi" biro ni Ron
"me lakad ka ba bakit parang me scandal kang nadiskubre a"
"wala pare me kukwento lang ako sa iyo tungkol doon na meet ko dati"
"okey pare call Friday ha what time?"
"alas tres ng hapon dun ka na, sasama ko tropa dun ko sasagutin ang problema mo"
"call pare" wika ni Junjun.

Gumala si Junjun sa bayan, tumingin tingin sa Bazaar. Parang gusto niyang bumili ngunit parang may pumipigil sa kaniya.
"san ka paroroon Junjun?" wika ng isang babae mula sa kaniyang likuran.Nagulat si Junjun, isang babaeng nakalutang ang nasa kaniyang harapan. Nagtatakbo si Jun sa takot. Muntik ng mabangga ng Bus sa kaniyang pagtawid. Mabilis ang kaniyang takbo hanggang sa makarating sa kabilang bahay. Naabutan niya rito ang kaniyang bunsong kapatid na nakaupo sa gilid ng kanilang pintuan. Luhaan ito na nakatalungko.

"hoy umiiyak ka na naman, pinagalitan ka ba ni Mommy" wika ni Junjun
Di ito kumikibo. Minabuting pumasok ng bahay at nasalubong niya ang kaniyang Mommy na may daladalang supot ng mga groceries."mom san kayo punta?"
"Jekjek halika ka na anak isasara ko na ang bahay" wika ng Mommy ni Junjun
"Mommy san ba kayo pupunta?"wika muli ni Jun jun ngunit di pa rin sumagot ang Mommy nito.
"mommy nandito po ako sa labas na" wika ni Jekjek

"ano ba nagyayari dito a amin, di ako pinansin ni Mommy, aha alam kuna siguro galit sa akin si Mommy kasi di ko naidikit ang nabasag kong paso ng halaman paborito pa naman niya yun, hayun nandun pa ang malaking basag na paso tsk tsk minana pa naman niya sa lola ito ,di bale hihingi ako ng pasensiya pagdating nila mamaya"
Dumating ang araw ng biyernes. Nauna siya sa tipanan. Nakita niya ang kaniyang mga ka tropa sa di kalayuan sa loob ng sementeryo.
"bakit nandun sila" naibulong ni Junjun sa sarili
"hi pareng Junjun" wika ni Ron mula sa likuran"wow astig pare naka shade ka ha parang Men in Black, saan ba punta di pa naman ako nag ayos ng damit kahiya sa iyo "

"nag-ayos ka na pare alam ko""asus panong nag-ayos e pambahay lang ang suot ko me lakad ba tropa bakit nandun sila sa sementeryo pare?"
"pare me sasabihin ako sa iyo, iyong isang tropa natin namatay"
"ha! sino si pare, teka sino ba wala doon" lumingon si Junjun sa mga kasamahan sa di kalayuan.

"kilala mo yun pare" wika ni Ron"sino yun sabihin mu na nga para makapag bihis ako agad at makasama sa libing niya shit, wala akong ka alam alam shocking ito a, kakahiya suot ko, ano ikinamatay"
"Naglalaro siya sa balcony ng bahay nila pare nag babalanse sa gabay na bakal, e, lasing siya ng time na yun nahulog siya bumalikwas ang katawan at tumama sa malaking paso ng halaman ang ulo. Naisugod pa siya sa ospital ng tatay niya kaso di na umabot pare" naiiyak ni paliwanag ni Ron.

Natigilan ni Junjun sa narinig. Nagsalita ito kay Ron."pare parang gawain ko yung sinasabi mo wala namang ganiyanan, ako lang ang gumagawa nun , masamang biro ang binitawan mo"
"pare totoo, kaya ka nakakakita ng mga kaluluwa e patay ka na pare hu hu, pare iniwan mu na kami"
"hindi! hindi totoo ang sinasabi mo , pumasok pa ako nung nakaraan a, matapos mag-inuman nun nakauwi pa ako sa bahay, ang paso ,ang paso nabasag ko yun ng di sinasadya!"
"iyon ang ikinamatay mo ang paso ang nakabasag ng ulo mo maniwala ka Junjun ang kamatayan ay parang naalimpungatan ka lamang di mo alam na patay ka na pala!" wika ni Ron
"bakit mo ako nakakausap Ron bakit!"
"kasi Jun aaminin ko sa iyo, matagal na akong me pagtingin sa iyo, isa akong bading Junjun, nagseselos nga ako ke Pinky ng malaman kong magpapakasal ka na!" paliwanag ni Ron
"anak ng Bading! ang tanong ko ang sagutin mo bakit kita nakakusap kung patay na ako!" sigaw ni Junjun.

"patay na rin ako Junjun, nagpakamatay ako, sinabi sa akin ni Pinky na magpapakasal na kayo di ko makayanan mahal kita patawarin mo ako Junjun dinamay ko ang sarili ko sa iyo, wala na ring silbi ang buhay ko kapag nawala ka sa akin"
"shit! sheeet! talaga, ano ba ito, ano ba itoooo, di ako naniniwala pupuntahan ko sila!"

Nagtatakbo si Junjun sa sementeryo. Nagsisigaw ito ngunit di siya marinig. Lagus-lagusan ang kaniyang katawan sa mga taong nakikipaglibing sa kaniya. Isang kabaong lamang ang naroon. Nakita niya ang kaniyang ama at ina at mga kapatid na umiiyak. Naroon din si Aling Santa na kanilang kapitbahay at si Pinky na kaniyang kasintahan. Nakita niya ang kaniyang anyo sa loob ng ginintuang ataul.

"hindi! totoo ang sinasabi ni Ron Diyos ko patay na nga ako hu hu hu" Bumalik siya kay Ron, nakita niya itong umiiyak.
"Ron, hu hu, bakit idinamay mo ang sarili mo, saan ka inilibing hu hu hu?" wika ni Junjun
"di pa nila nakikita ang bangkay ko Junjun, di nila alam na ako ay patay na. Tumalon ako sa ilog sa Ayala Bridge, nalunod ako hu hu hu, di ka pa patay ay una na akong namatay sa iyo Junjun, naluluha ako at bakit ka namatay din, dapat ay ako na lang, dapat ay naging masaya ka kay Pinky"
"kasalanan ang ginawa mo Ron isang malaking kasalanan ang magpakamatay" wika ni Junjun.

Naglabasan ang ilang kaluluwa sa harap ni Junjun."di na ako matatakot sa inyo ngayong alam kuna ang lahat, alam kong gusto niyo akong isama, sandali at magpapalam na ako sa aking mga mahal sa buhay"
Saktong tinatabunan na ang hukay ay niyapos ni Junjun isa-isa ang kaniyang mga mahal sa buhay, magulang ,kapatid, kamag-anak at ang naghihinagpis na si Pinky.

"paalam sa inyo, paalam Jekjek kapatid ko hu hu hu"

"mommy, may sasabihin po ako sa inyo" wika ni Pinky sa ina ni Junjun
"ano iyon iha""buntis po ako kay Junjun, gusto kong suportahan natin siya alang-alang sa kaniyang alaala"
"Diyos ko hu hu hu" tumangis na napayakap ang ina ni Junjun kay Pinky. Napangiti si Junjun at niyapos niya rin ang dalawa.
"lumamig ang hangin Pinky malamang kasama natin si Junjun ngayon" wika ng Mommy.

"tara na mga kasama kung saan man niyo ako dalhin sasama na ako teka si Ron bakit di ninyo inaaya?" tanong ni Junjun
"iba ang magsasama sa akin Junjun, isang malaking kasalanan ang aking nagawa, sana maging masaya ka Junjun, isipin mong naging kabarkada kita, ka pare at isang nagmamahal na kaibigan, paalam Junjun" wika ni Ron.

Nawala sa paningin ni Junjun si Ron may kasama rin itong ibang kaluluwa. Umalis na sina Junjun. Isang liwanag ang kanilang nakita. Kasalubong nila ang iba pang mga nakangiting kasamahan upang bigyan ng halaga ang pagdating ni Junjun sa kabilang buhay.

W A K A S